Filtered By: Showbiz
Showbiz

Dating child star, nanalong kongresista sa Pangasinan


Nahalal na kongresista sa ika-apat na distrito ng Pangasinan sa katatapos na Eleksyon 2016 ang dating child star na si Christopher "Toff" De Venecia matapos siyang makakuha ng mahigit 125,000 na boto.

LOOK: Ilang celebrity candidates sa Eleksyon 2016, naiproklama na

Papalitan niya sa naturang posisyon ang kaniyang ina na si Gina De Venecia, na nagpasyang hindi na kumandidato ngayong halalan.

Ama ni Christopher si dating Rep. Jose De Venecia, na isa sa mga pinakamatagal na naging lider o Speaker ng House of Representatives.

Ilang pelikulat at television sitcoms ang ginawa noon ni Christopher bilang child star kabilang na ang “Ober da Bakod” at “Billy Bilyonaryo.”

Nang tumigil sa showbiz, ipinagpatuloy ni Christopher ang pag-aaral at naging dating editor siya ng magazine at nagtatag ng isang theatre group.

Nagwagi naman bilang kongresista sa ikatlong distrito ng lalawigan ang socialite at philanthropist na si Baby Arenas.

Para malaman ang resulta ng halalan sa Pangasinan, i-click ang Eleksyon 2016 Results. -- FRJ, GMA News

 

Tags: eleksyon2016
LOADING CONTENT