Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK

Michael V. gives artistic tribute to Rodrigo Duterte


Binigyang-pugay ng Kapuso comedian na si Michael V. si Presumptive President-elect Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng isang sketch at isang mensahe para sa mga Pilipinong pamumunuan niya sa loob ng anim na taon.

Ayon kay Bitoy sa isang Instagram post nitong Lunes, “Mabuhay ang pangulo! Walang iba... s'ya na nga! Wala ka nang magagawa, bayan na ang nagsalita. Sa bawat bagong araw, mayro'ng bagong simula. 'DAPAT TAMA' isa-puso sa isip at sa salita.”

 

Hinikayat rin ng batikang komedyante at “Bubble Gang” star ang mga Pilipino na magtulungan upang makamit ang pagbabagong ninanais para sa bansa.

Dagdag pa niya, panahon na upang itigil ang batuhan ng masasakit na salita sa pagitan ng mga tagasuporta ng iba't ibang kampo.

Aniya, “Kahit sino mang pangulo ang iluluklok ng bayan. 'Di kakayanin ang bigat kundi natin tutulungan. Ang mabuting pagbabago na kanyang sisimulan. Tayo ang magpapatuloy hanggang sa katapusan.”

“Awatin na ang dilang masakit magsalita. Pakawalan ang pusong makatao ang gawa. Manalig kang alam ng Diyos ang mabuti at masama. WALANG DAPAT IKATAKOT KUNG ANG GINAGAWA AY TAMA,” pagtatapos niya. —ALG, GMA News

LOADING CONTENT