WATCH: Isinulat ni Maine na theme song ng AlDub movie, may tono na
Sa kalyeserye ng Eat Bulaga nitong Martes, ibinalita ni Divina (Maine Mendoza) na nalapatan na ni Bossing Vic Sotto ng tono ang ginawa niyang kanta na magiging theme song ng pelikulang pagbibidahan nila ni Alden Richards.
Sinabi naman ni Vic na malapit na nilang iparinig sa mga dabarkads at AlDub nation ang buong musika ng naturang theme song pero dapat daw na unang makapakinig nito ang gumawa ng liriko na si Maine.
Nitong Martes, ipinakita rin nina Maine at Alden ang pasilip na poster ng kanilang pelikula.
?????????????????? pic.twitter.com/EJbhAHzZSM
— Alden Richards (@aldenrichards02) June 14, 2016
All my life I was seeking for someone I can call my own.. pic.twitter.com/Y0xB0Ss2kG
— Maine Mendoza (@mainedcm) June 14, 2016
Sa isang ulat ng PEP.ph, puring-puri ni Vic ang isinulat na kanta ni Maine at nakitaan nga raw niya ng talento sa pagsusulat ang phenomenal star ng Eat Bulaga. (READ: Vic Sotto collaborates with Maine Mendoza for AlDub movie theme song)
-- FRJ, GMA News