Filtered By: Showbiz
Showbiz

WATCH: Maine Mendoza sings theme song for AlDub movie ‘Imagine You and Me’ 


Hindi matumbasan ang kilig ng mga fans ng AlDub ng marinig sa unang pagkakataon nitong Huwebes ang theme song ng "Imagine You and Me", ang pelikulang pagibibidahan ng phenomenal love team. 

Ang Kalyeserye Sweetheart na si Maine Mendoza pa mismo ang nagsulat ng kanta at si Bossing Vic Sotto naman ang naglapat ng musika. 

Bago umawit, nagbigay muna ng maiksing mensahe si Maine sa lahat ng mga sumuporta sa kanila ni Alden sa Kalyeserye at sinabi niyang ngayon ang tamang panahon para sa kanilang pelikula. 

"Hindi ko inaakala talaga na mangyayari sa akin kasi  'yung mga pangarap ko unti-unting natutupad at iyon naman po ay dahil sa inyong lahat," ani Maine, "Maraming salamat po, kaya ito pong kanta pong ito ay para sa inyo." 

Bukod sa sweet na sweet na kanta, napanuod din ng mga tagahanga nila Maine at ng Pambansang Bae na si Alden Richards ang unang trailer ng "Imagine You and Me" na ipalalabas sa Hulyo 13.

—NB/FRJ/APG, GMA News