Filtered By: Showbiz
Showbiz

Theme song ng 'Encantadia,' inawit ni Sang'gre Alena na si Gabbi Garcia


Bukod sa pagiging isa sa mga Sang'gre na si 'Alena," si Gabbi Garcia rin ang napili na umawit ng theme song ng inaabangang primetime fantaserye ng GMA na "Encantadia."

Si "Alena" ang  Sang'gre na kayang kontrolin ang tubig, at magagamit din niyang sandata ang mapang-akit na ganda at ginintuang tinig.

Siya ang tagapangalaga ng brilyante ng tubig at ang pangatlo sa magkakapatid na Sanggre ng Lireo.

Siya ang itinuturing pinakamapagmahal at pinaka-malambing sa magkakapatid.

Pero makararanas siya ng pinakamapait na karanasan dahil sa ambisyon ni Pirena.

At dahil sa maganda niyang tinig, si Gabbi rin ang napiling kumanta ng theme song ng "Encantadia" na mapapanood na simula sa susunod na linggo. -- FRJ, GMA News