Filtered By: Showbiz
Showbiz

'Pagaspas' na si Miguel Tanfelix ng 'Mulawin,' mapapanood sa 'Encantadia'?


Lalong nagiging kapana-panabik ang mga eksena sa "Encantadia" ngayong tila may panibagong karakter na masasaksihan ang mga manonood na mula rin sa dating sikat na pantaserye ng GMA na "Mulawin."

Sa Facebook post ng "Encantadia" fan page, isang larawan ng Mulawin ang inilagay na may caption na: "Handa na ba kayo, mga Kapuso?"

Sa Instagram account naman ni Miguel Tanfelix, makikita ang isang larawan na inilagay niya na may nakasaad na: "Ang kanyang muling paglipad."

Si Miguel ang gumanap noon na batang Pagaspas sa dating hit series na "Mulawin."

 

 

Ang kanyang muling paglipad.

A photo posted by Miguel Tanfelix (@migueltanfelix_) on

 


Mayroon ding Mulawin na napanood sa naunang "Encantadia" na ginampanan noon ni Zoren Legaspi bilang si Bagwis.

Inaabangan din sa "Encantadia" ang paglabas ng karakter ni Conan Stevens, na nakilala bilang si "The Mountain" sa worldwide series na "Game of Thrones." -- FRJ, GMA News