Filtered By: Showbiz
Showbiz

Alden Richards, sasamahan si Miguel Tanfelix sa 'Encantadia' bilang 'Mulawin'


Hindi lang ang "Mulawin" na si Pagaspas na ginagampanan ni Miguel Tanfelix ang makikita sa Kapuso primetime series na "Encantadia.' Makikidigma rin para sa mga diwata ng Lireo si Alden Richards na isa ring Mulawin.



Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA News "24 Oras" nitong Miyerkules, sinabing gagampanan ni Alden ang karakter bilang si Lakan, ang Mulawin na sumumpa ng kanyang katapatan para sa mga diwata.

Dahil bago para kay Alden ang gumanap sa isang maaksyong telefantasya, sinasanay na niya ang pagkilos sa ginawang costume fitting para sa kaniya.

Hindi lang daw sa pisikal na aspeto at galing sa pag-arte ang kanyang inihahanda.

Para kay Alden, isang malaking hamon ito na dapat niyang pagbutihin para sa kanyang mga tagasuporta. -- FRJ, GMA News