Filtered By: Showbiz
Showbiz
SINA LIRA AT MIRA

Showbiz newbies na sina Mikee Quintos at Kate Valdez, nasilayan na sa 'Encantadia'


Nasilayan na ng mga tagasubaybay ng telefantasyang "Encantadia" ang mga bagong mukha sa showbiz na sina Mikee Quintos at Kate Valdez, bilang sina Mira at Lira.

Sa Chika Minute report ni Aubrey Carampel sa GMA news "24 Oras" nitong Biyernes, sinabi ni Mikee na excited na siya sa paglabas ng ginagampanan niyang karakter sa "Encantadia" na dalagang si Milagros o Mila, na ang tunay na katauhan ay si Lira.

Naging Mila si Lira, ang tunay na anak nina Sang'gre Amihan at Ybarro, dahil ipagpalit siya sa sanggol na tunay ni Mira, na anak naman ni Pirena.

Dahil sa pagpapalit, naiwan sa kaharian ang huwad na si Lira, habang ang tunay na Lira o si Mira ay napunta sa mundo ng mga tao.

Unang show ni Mikee ang "Encantadia" matapos siyang ma-discover ng GMA Artist Center sa isang fan's day.

"Sobrang big thing na po na binigay sa akin yung role and gusto ko pong ipakita din sa producer na hindi sila nagkamali na ibinigay sa akin yung role," ayon kay Mikee.

Itinuturing ni Mikee na malaking achievement at mabigat na hamon ang pagganap niya sa karakter na dating ginampanan ng Jennylyn Mercado.

Lumabas din kasabay ni Mikee ang isa pang bagong mukha sa showbiz na si Kate Valdez, na gumanap naman si Lira o ang tunay na Mira.

Si Yasmien Kurdi ang dating gumanap sa role ni Kate, na unang napanood sa afternoon series na "Destiny Rose."

Si Mira ang magiging katunggali ni Lira sa puso ni Anthony, na bibigyang-buhay naman ng isang pang baguhan na si Starstruck 6 Ultimate Male Survivor na si Migo Adecer. -- FRJ, GMA News

LOADING CONTENT