Filtered By: Showbiz
Showbiz

Edu Manzano on Duterte administration: 'I'm a supporter of change'


Hindi man siya pinalad na manalo bilang senador nitong nakaraang eleksyon, suportado pa rin umano ng batikang aktor at “Someone To Watch Over Me” star na si Edu Manzano ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Naniniwala raw siya sa pamamalakad nito at sa kakayahan nitong simulan ang pagbabagong kinakailangan ng Pilipinas.

Aniya sa panayam ng GMA News, “Ako po ay naniniwala na he's heading on the right direction. Ang tagal na nating nangangailangan ng someone who has the guts, who actually looks at the social ails that plague our country. Somebody with the character, determination, and the will.”

“Marami kasing hindi sanay. Marami diyan, kay ganda-ganda ng buhay noon, and all of a sudden, ngayon, they have to contend with someone who doesn't tolerate bullshit... It's only been six weeks. Let's give him a chance.” dagdag pa niya.

Suportado rin daw ni Edu ang matapang na pamamaraan ng administrasyong Duterte upang makamit ang pagbabagong ipinangako nito sa mga Pilipino.

Paliwanag ng batikang aktor, “I'm a supporter of change. And it doesn't matter who does it. If someone is sincere and is willing to fray the nerves of individuals if only to effect change and make this a better country for all Filipinos, I will always support them.”

 

A photo posted by Edu Manzano (@realedumanzano) on

 

Wala man siyang posisyon sa gobyerno ngayon, patuloy raw ang pagtulong ni Edu sa mga Pilipino sa kaniyang sariling paraan.

“I feel it's also our obligation to serve in whatever capacity. If we feel that we can do something to make lives better for Filipinos, we should. There's no one formula. Hindi mo kailangan maging mayaman to be in public service. Everybody has just as much right as anybody else to effect change,” aniya.

Sa ngayon, abala si Edu sa kaniyang pagbabalik-telebisyon bilang bahagi ng  “Someone To Watch Over Me,” ang pinakabagong GMA Primetime series na pagbibidahan nina Tom Rodriguez, Lovi Poe, at Max Collins.

Mapapanood ang naturang teleserye, na tatalakay sa early-onset Alzheimer's Disease, sa GMA Primetime gabi-gabi simula September 5. -- FRJ, GMA News