Filtered By: Showbiz
Showbiz

Angelu De Leon, nagpasalamat sa mga nagdarasal para sa kanyang paggaling


Nananatiling matatag ang aktres na si Angelu De Leon matapos ma-diagnose na mayroon siyang Bell's Palsy," ayon sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Sabado.

Sa Instagram post ng aktes, ipinakita ni niya ang epekto ng bell's palsy sa muscles sa kanyang mukha.

Ang bell's palsy ay isang sakit na nagdudulot ng paralysis o panghihina ng muscles sa mukha.

Ayon kay Angelu, nangyari na rin daw ito sa kanya noong 2009 at hinihinala niya na nauli ito dahil humina ang kanyang resistensya dahil sa hindi regular na pag-inom ng vitamins.

Dagdag pa niya, sumailalim na siya sa MRI at hinihintay na lang ang resulta.
Nagpapasalamat naman ang aktres sa mga nagdarasal para sa kanyang paggaling.

"My left face is not cooperating. Suplada ang left face ko.  But I'm getting better everyday by God's grace. I appreciate all your prayers and encouraging words," bahagi ng caption ni Angelu sa naturang post. -- FRJ, GMA News

Tags: angeludeleon
LOADING CONTENT