Filtered By: Showbiz
Showbiz

Carla Abellana set to receive 'Face of the Year' award in Vietnam


Nakatakdang kilalanin ang Kapuso actress na si Carla Abellana bilang Best Foreign Actress sa Face of the Year 2016, isang taunang parangal sa Vietnam na kumikilala sa mga natatanging artista sa telebisyon at pelikula.

Nagwagi ang ang aktres sa kaniyang pagbida sa GMA Primetime series na “My Destiny,” kung saan nakasama niya sina Tom Rodriguez, Sid Lucero, Rhian Ramos, Lorna Tolentino, Kuh Ledesma, at marami pang iba.

 

 

Nakuha ni Carla ang parangal sa pamamagitan ng online at text votes mula sa Vietnamese audience—patunay na abot hanggang iba't ibang bahagi ng mundo ang galing ng mga artistang Pilipino.

 

 

Magaganap ang Face of the Year 2016 awards night sa darating na Biyernes, January 6, sa Saigon Opera House sa Ho Chi Minh City, Vietnam. —Bianca Rose Dabu/KG, GMA News

LOADING CONTENT