Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK

The intricate, elegant details of Heart Evangelista's new home


 

 

Malapit nang matupad ang pangarap ng Kapuso actress na si Heart Evangelista na makalipat sa kanilang bagong bahay ngayong taon.

Nitong mga nakaraang linggo, sunod-sunod ang pagbabahagi ng Kapuso star ng mga larawan at video sa paglapat ng finishing touches sa bago nilang tahanan ng mister na si Sen. Chiz Escudero at mga anak na sina Chesi at Quino.

LOOK: Heart Evangelista’s new home is almost done

Inilarawan ni Heart ang kabuuang tema ng kaniyang dream house bilang simple at classic, na hindi raw naiiba sa kaniyang preference pagdating sa fashion.

“It's Mediterranean outside, and modern French inside. Three floors. It's all white,” aniya sa naunang panayam.

Dagdag pa niya, “It's so nice. It's my dream house. Every corner is pretty. Kapag may nagbigay sa'yo ng flowers, kahit saan mo ipatong tapos mag-picture ka, maganda na.”

Ilan lamang sa mga ipinagmamalaki niyang bahagi ng kaniyang tahanan ang walk-in closet, kung saan makikita ang kaniyang nakakamanghang koleksiyon ng designer bags, clothes, at shoes, pati na ang kaniyang kakaibang walk-in dinnerware storage.

LOOK: Heart Evangelista shows off walk-in dinnerware storage

Makikita rin sa bagong bahay ni Heart ang mga painting na gawa niya at ng kaniyang mister, pati na ang mga eleganteng home decorations na pinili mismo ng aktres. -- FRJ, GMA News