Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK

Maine, bumisita sa lamay ng yumaong fan na si Ate Raz


Bumisita ang “Destined To Be Yours” star na si Maine Mendoza kamakailan sa lamay ni Raz Alfaro, isa sa kaniyang masugid na tagahanga.

Agad na kumalat ang mga picture ni Maine na dumadalo sa lamay, kasama ang ilang mga katrabaho sa Eat Bulaga.

Ayon sa social media updates ng mga kaibigan ng biktima, natagpuan ang labi ng registered nurse at The MaineGirls fans club administrator sa Cavite, at pinaniniwalaan ng marami na pinaslang ito.

 

 

Sa isang tweet nitong nakaraang linggo, nakiisa si Maine sa mga nanawagan ng #JusticeForRaz.

“Maraming salamat sa oras, suporta at pagmamahal na ibinigay mo sa akin, Ate Raz. Mamimiss kita,” mensahe niya sa pumanaw na tagahanga. —JST, GMA News