Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK

Michelle Madrigal announces she's pregnant with first baby


Masayang ibinahagi ng aktres na si Michelle Madrigal nitong Lunes ang magandang balita ng kaniyang pagbubuntis sa unang anak nila ng kaniyang kasintahan na si Troy Woolfolk.

 

 

Aniya, 13 weeks na siyang nagdadalang-tao, at hindi na umano siya makapaghintay na masilayan ang kanilang panganay na anak sa darating na Nobyembre.

“After three months of enduring nausea, morning sickness, vomiting, and being on bed rest for almost a month... Troy and I are happy to announce that we're expecting our first born this November,” ayon kay Michelle.

Dagdag pa niya, “I cannot express how excited and nervous we are as we move forward into this new chapter of our lives as family. We are truly blessed beyond belief. God is amazing!”

Pahayag naman ni Troy, “I am so excited to be a father and can't wait to see if it's a boy or girl!”

Matatandaang lumipad patungong America si Michelle noong nakaraang taon upang doon ipagpatuloy ang kaniyang culinary journey.

Nagbalik siya sa Pilipinas nitong nakaraang Marso upang dumalo sa kasal ng kaniyang kapatid na si Ehra Madrigal sa Boracay. —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News

LOADING CONTENT