Filtered By: Showbiz
Showbiz
SA 'WOWOWIN!'

Bagong palarong 'Will To Win,' aabot sa P2-M ang premyo


Magkakaroon ng bagong segment ang "Wowowin" kung saan maipakikita ang iba't ibang talento ng mga Pinoy. Ang mananalo, puwedeng maging milyonaryo.

Sa Chika Minute report ni Cata Tibayan sa GMA News "24 Oras" nitong Martes, sinabing dinagsa ang unang araw ng audition para sa naturang bagong segment.

Ang mga nagpakitang-gilas ng kanilang talento, may solo at mayroon ding grupo.

May nagpatikim ng husay sa sand-painting, pagbirit, pagsayaw, pagma-magic at may nag-ala lastikman pa!

"Kung saan sulok ka man ng Pilipinas, basta alam mong may talento ka at kaya mo ipakita sa kanila, ito na ang chance mo. Puwede kang manalo ng P2 million," ayon kay Donita Nose.

Bukas ang auditions tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes sa Kapuso Network sa Quezon City. -- FRJ, GMA News