Kabilang ang ilang "Encantadia" stars sa mga dumalo sa baby shower ni Kylie Padilla para sa panganay nilang anak ni Aljur Abrenica.

Sa Instagram post ni Glaiza de Castro nitong Huwebes, makikita sa larawan na kabilang sa mga dumalo sina Gabbi Garcia, Mikee Quintos, Diana Zubiri, at Rocco Nacino.

LOOK: Kylie Padilla gets more intimate in latest maternity shoot

Saad ni Glaiza sa caption niya sa larawan, "Hindi nagtatapos ang lahat sa isang show :) congrats Amihan sa panibagong simula at excited kami lahat para sa inyo ni Little Prince."

 

May hiwalay din larawan na ipinost si Gabbi sa kaniyang IG account.

"Here's to one of the strongest people I know  Congratulations, Ate Kylie! Stay happy and radiant as your are  i love you always. #TheLittlePrinceIsOnHisWay #KyliesBabyShower," anang young actress, na unang sinabihan ni Kylie sa "Encantadia" tungkol sa kaniyang pagbubuntis.

 

Binati rin ni Diana si Kylie sa pagdating ng baby nila ni Aljur.

 

Congratulations @kylienicolepadilla and @ajabrenica #TheLittlePrinceIsOnHisWay

A post shared by Diana Zubiri-Smith (@dianazubirismith) on

 

-- FRJ, GMA News