Pinoy ang gaganap na best friend ni Spider-Man sa kaniyang pagbabalik sa big screen, na nakapanayam ni "Chika Minute" anchor Iya Villania sa ginanap na meet-and-greet ng cast ng "Spider-Man: Homecoming" sa Singapore.

Sa Starbites report ng GMA News TV's "Balitanghali" nitong Biyernes, dumagsa ang mga naka-spidey-costumes na dumalo sa naturang event at nakapaglakad pa sa red carpet.

Si Spider-man ay gagampanan ni Tom Holland, ang pinakabatang aktor na gaganap sa sikat na role. Kasama niya ang sidekick na si Jacob Batalon, na isang purong Pinoy.

Si Jacob ay laking Hawaii at pawang Pilipino ang mga magulang.

At katulad ng ibang Pinoy, mahilig din siyang magluto.

Nang tanungin nang, "what brings out the Filipino in you?," sagot na Jacob, "Filipino food and my mom. I love Sinigang, I love Adobo."

Nagpasalamat naman si Tim sa kaniyang Pinoy fans at ipinakita ang Spider-Man dance move.

"Everyone in the Philippines, thank you so much for your love and we love you back, you guys are great," pagbati Hollywood actor. -- Jamil Santos/FRJ, GMA News