Itinanghal ng FHM Philippines bilang number two sexiest Pinay ang Kapuso aktres na si Kim Domingo.

At bagama't hindi niya nasungkit ang korona, malaki pa rin ang pasasalamat ng "Kapuso Pantasya ng Bayan" sa nakuha niyang suporta sa ginanap na online voting ng babasahin.

Wala umanong sama ng loob si Kim sa naging resulta: "Ako po, unang una, wala po akong sama ng loob o kalungkutan na naramdaman, kasi lahat naman tayo ay may definition ng 'sexy'."

Kaya masaya si Kim para sa number one sexiest Pinay ngayong taon, si Nadine Lustre.

"I think Nadine is deserving to be number one."

Pinuri rin ni Kim ang iba pang sexy Pinay na napasama sa top 10 ng FHM.

"Lahat naman po kami deserving."

Nagpasalamat si Kim sa FHM na nagsilbing daan para siya'y maging aktres.

"Thankful po ako na mapabilang ako sa 100 sexiest kasi unang-una, malaking parte rin po ang FHM sa buhay ko dahil before ako mag-Bubble Gang, nag-FHM cover po muna ako, at marami pong nag-open na doors."

Bukod kay Kim, kabilang din sa top 10 ang mga Kapuso stars na sina Rhian Ramos, Jennylyn Mercado, Maine Mendoza, at Solenn Heussaff. —JST, GMA News