Ilang buwan pagkatapos ng kanilang renewal of vows, ibinahagi ni Danica Sotto ang kuwelang reaksyon ni Vic Sotto at set ng "Daddy Di Do Du" sa unang araw ng pag-akyat ng ligaw ni Marc Pingris.

Sa panayam ni Regine Velasquez sa Sarap Diva nitong Sabado sa mag-asawa, sinabi ni Danica na may isang taon din niyang pinahirapan sa panliligaw ang basketbolista.

Ibinahagi ng mag-asawa kung paano sila unang nagkita hanggang sa magsabi na si Marc na aakyat siya ng ligaw sa set noon ngn Daddy Di Do Du na pinangungunahan ng ama ng aktres.

Bago aktuwal na umakyat ng ligaw, sinabihan ni Marc si Danica na ipaalam muna kay Bossing na dadalaw siya.

Bukod sa kuwelang sagot ni Bossing Vic sa pagpapaalam ni Marc, nakakatawa rin ang reaksyon nina Jose Manalo nang makitang may dala na bulaklak ang basketbolista sa set ng Daddy Di Do Du. —Jamil Santos/ALG, GMA News