Bilang paghahanda sa kaniyang panganganak, hindi na muna mapanonood sa "Eat Bulaga" ang dabarkads na si Pauleen Luna.

Sa kaniyang Instagram post,  inihayag ni Pauleen na sinimulan na niya ang kaniyang maternity leave sa noon time show matapos ang special "baby shower" episode ng "Eat Bulaga" nitong nakaraang Sabado.

"Thank you Eat Bulaga for a fun filled afternoon... specially for all your gifts, love and support for our little girl. I’m starting my maternity leave and will rest for the arrival of our baby. See you again next year, dabarkads! Please pray for me and with me for a smooth, easy and fast delivery! Thank you again and see you guys soon!," saad sa caption ni Pauleen na may kasamang larawan ng baby shower noong Sabado.



Pero sa halip na siya ang tumanggap ng regalo noong Sabado, si Pauleen ang nagbigay ng regalo para sa mga sanggol at bata na kinukupkop ng Crib foundation.

Inaasahang isisilang ni Pauleen sa mga susunod na linggo ang panganay na anak nila ni Vic Sotto.

Nagbigay din ng wish si Bae-by Baste para sa nalalapit na pagsilang ng first baby nina Pauleen at Bossing. Panoorin:



-- FRJ, GMA News