Muling nagsama-sama ang mga dating Viva Hot Babes na sina Maui Taylor, Sheree, Jaycee Parker at Katya Santos para sa isang masayang "Road Trip" adventure sa Quezon Province.

Kahit maputikan, nag-enjoy ang grupo sa pagsakay sa ultimate train vehicle (UTV) at nag-kayak pa sa Linggo-Linggo Lake.

Agad namang nawala ang kanilang pagod sa mahabang trekking nang marating nila ang tagong Asedillo Falls.

At sa kanilang pagpunta sana sa isang kuweba na maihahalintulad sa underground river ng Palawan, napasabak pa rin sa matinding adventure ang grupo.

-- Jamil Santos/FRJ, GMA News