Nagbalik na sa longest-running noontime show na "Eat Bulaga" sa unang araw ng 2018 ang phenomenal star na si Maine Mendoza nitong Lunes.

May isang buwan na hindi napanood sa "Eat Bulaga"—partikular sa segment na "Sugod-Bahay"— at nagkaroon pa ng usap-usapan na baka nasuspinde siya bunga ng isa niyang post sa social media.

Gayunman, nilinaw mismo sa nakaraang panayam kay Bossing Vic Sotto na hindi sinuspinde si Maine at sa halip ay nagbabakasyon lang sa Amerika kasama ang kaniyang pamilya.

READ: Vic Sotto, itinangging sinuspinde si Maine Mendoza sa 'Eat Bulaga'

Maririnig sa studio ng "Eat Bulaga" ang hiyawan ng mga tao nang una nilang makita nitong Lunes si Maine na nasa "barangay" para sa segment na "Sugod-Bahay."

Nasa studio naman si Alden Richards na kabilang sa mga Kapuso celebrity na dumalo sa countdown ng GMA para salubungin ang 2018 na ginawa sa MOA Pasay City.

Kaagad ding nag-trending sa Twitter nitong ang hashtag na "#ALDUB2018" at "Maine," upang i-welcome ang pagbabalik ni Maine.

 

 

-- FRJ, GMA News