Masaya si Andre Paras at Klea Pineda sa kanilang roles na gagampanan sa bagong Kapuso fantaserye na "Sirkus." Napansin ng mga dumalo sa ginanap na press conference na bagay na maging magka-love team ang dalawa.

Sa Star Bites report ni Lhar Santiago sa "Balitanghali" nitong Biyernes, ikinuwento nina Andre at Klea na naging maganda ang relasyon ng mga miyembro ng cast ng "Sirkus."

"Kung magsu-surprise visit man kayo, makikita niyo kami sa isang tent, isang stand-by area, nagkukulitan, naghaharutan, talagang alam mo 'yung parang friends na kaming lahat. Nakabuo na kami ng family and barkada," sabi ni Andre.

Natutuwa sina Andre at Klea na gampanan ang kanilang role sa "Sirkus."

"Character ko dito si Martel, isa siyang muscle man or strongman, part of the circus. Magagamit ko rin 'yung powers ko sa mga upcoming episodes. Super exciting kasi I look forward to fight scenes," sabi pa ni Andre.

"Ako naman si Sefira po dito, ang fire breather sa grupo. Very fierce and vain si Sefira dito, parang palagi siyang, alam mo 'yon, fire hot," sabi naman ni Klea.

Mas naging confident na si Klea sa kaniyang sarili matapos sumali sa isang modeling competition.

"Pag-uwi ko po dito parang mas na-up 'yung confidence ko na kaya ko pala, parang kaya ko pala siyang gawin," anang aktres.

Samantalang si Andre, kakauwi lamang mula sa Amerika matapos na sorpresahin ang kapatid na si Kobe na hindi nakauwi noong Pasko dahil sa pag-aaral at basketball training.

"I had someone tell him to go down. Nakatayo lang ako and then I waited for him to look at me and then he ran to me. It's really sweet, parang bata ulit po siya," sabi ni Andre.-- Jamil Santos/FRJ, GMA News