Kahit busy sa taping ng Kapuso primetime series na "Kambal, Karibal," may time pa rin si Bianca Umali na maging hands-on sa paghahanda sa kaniyang nalalapit na debut.

Sa "Chika Minute" report ni Cata Tibayan sa GMA News "24 Oras" nitong Martes, sinabing  nangangalahati na sa mga paghahanda kaniyang 18th birthday celebration sa March 17 si Bianca.

Bawat detalye raw ng kaniyang debut, may personal touch ni Bianca kaya naman kinakabahan at excited ang aktres.

"Masaya mag-prepare lalo na parang kung ano ang gusto mo, iyon ang nangyayari," sabi ng dalaga.

Sa kaniyang pre-debut pictorial kanina, hands on si Bianca sa pagpili ng makeup, mga damit na isusuot, pati na sa background na gagamitin.

Fun, edgy at kakaiba raw ang once in a lifetime celebration na ito ni Bianca na very millennial ang dating.

At sa kaniyang pagiging legally 18, personal goal daw niya na masubukang bumiyahe na mag-isa sa abroad.

At ang mga lugar na nais niyang puntahan, sabi ni Bianca, "Japan and Greece. Greece talaga dream ko."

Samantala, asahan pa daw ang mas matitinding mga eksena sa "Kambal, Karibal" lalo't nahaharap ngayon sa panibagong pagsubok ang karakter niyang si Crisanta. -- FRJ, GMA News