Naka-date nina Kapuso stars Andrea Torres, Carla Abellana at Aicelle Santos ang mga Kapusong OFW sa Dubai, United Arab Emirates nitong Valentine's Day.

Sa Star Bites report ni Nelson Canlas sa GMA News "Balitanghali," sinabing pinasaya ng mga Kapuso star ang mga kababayan na bahagi ng "Pusong Pinoy sa Dubai" na handog ng GMA Pinoy TV, GMA Life TV, GMA News TV International at Philippine Consulate sa Dubai.

 

Bumisita din sina Andrea, Carla at Aicelle sa Philippine Consulate para sa isang courtesy call.


Sa kanilang Instagram posts, nag-enjoy din sa pamamasyal sa Dubai sina Carla, Andrea at Aicelle.

 

 

--Jamil Santos/FRJ, GMA News