May sagot si Kapuso star Heart Evangelista sa netizen na nakapuna na tila "walang abs" ang aktres sa isa sa mga larawan na ipinost niya sa Instagram.

 

All set for a MEGAmazing night... ? #lovemarieXwhites

A post shared by Love Marie Ongpauco Escudero (@iamhearte) on

 

Sa GMA News "Unang Balita" nitong Biyernes, sinabing nakasuot ng mid rib top at pants si Heart nang magtanong ang netizen, "San ung abs?"

"hahaha I never made it a goal ! Haha :)" sagot naman ng aktres.

Sumagot din ang fans ni Heart sa tanong ng netizen, at sinabi nilang hindi abs ang batayan ng pagiging sexy.

-- Jamil Santos/FRJ, GMA News