Gaya nang nakalagay sa lyrics ng "Gayahin Mo Sila," na parody version ng "Hayaan Mo Sila" ng Ex Battalion, nag-viral nga ang video na ipinalabas sa Bubble Gang” noong Biyernes at nakasama sa trending list ng Youtube.

Nang ilagay sa Youtube ang video ng "Gayahin Mo Sila" noong Sabado na inawit ni Michael V. o Bitoy, nanatili itong kasama sa top 10 trending videos nitong Lunes.

Bahagi ng awitin ang tila hula na nagkatotoo na, "Tingnan n’yo gayang-gaya ko na kayo, Tingnan n’yo magva-viral na rin ako, Sinasabi ko sa ‘yo two days lang sikat na ‘to..."

Mayroon nang halos 500,000 views ang video sa Youtube, halos 800,000 views sa Facebook account ng "Bubble Gang."

Panoorin ang patok na MTV na tumatalakay tungkol sa mga uso ngayon, panggaya, at ang pagiging original:

Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment

-- FRJ, GMA News