Sa ikatlong pagkakataon ngayong Marso, muli na namang napili ang kahon na may laman na "mega jackpot."  Pero gaya ng dati, nagkamali na naman ng pasya ang mga kalahok nang piliin nila ang pera sa halip na sumugal sa laman ng kahon. Panoorin ang nakapanghihinayang na tagpo sa "Wowowin."



Noong nakataang linggo, napalupasay sa panghihinayang ang mga sale lady na naglaro sa "Pera o Kahon" nang makaalpas din sa kanila ang mega jackpot gayung may isa sa kanila ang unang pursigido na piliian ang kahon sa halip na pera.



Bago nito, isang dalaga rin ang napaiyak sa panghihinayang nang piliin niya ang P85,000 na premyo kapalit ng kahon na mega jackpot pala ang laman na binubuo ng P1 milyon, bagong kotse, at bahay at lupa.


 

Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment

 

-- FRJ, GMA News