Matapos ang kanilang break-up, sinabi ng Kapuso star na si Joyce Ching na naging magkaibigan  muli sila ng ex-boyfriend na si Kristoffer Martin. Ngunit pag-amin ng dalaga, hindi na sila magkakabalikan kahit ligawan pa siya muli ng binata.

Sa segment na "Lightning Laglagan" ng programang "Mars," "hindi," ang mabilis na sagot ni Joyce nang matanong siya kung may tiyansa bang magkabalikan sila kung sakaling ligawan muli siya ni Martin.

Kinalaunan sa programa, ikinuwento ni Joyce na kaagad naman silang nagkausap ni Kristoffer isang buwan matapos ang kanilang paghihiwalay. Kasunod nito, palagi naman daw silang nagkikita dahil sa kanilang trabaho.

"A month lang, nag-uusap na rin kami. Tsaka showbiz kasi, tapos pinagpa-partner din kami, ang laki ng chances na magkakasalubong at magkakasalubong kami. Tapos naging love team pa kami after," saad niya.

Ipinaliwanag din ni Joyce na may sinagot na siyang manliligaw kaya sinabi niyang wala nang chance na magkabalikan sila ni Kristoffer kung sakaling ligawan siyang muli.

Isa rin kasi sa mga naitanong kay Joyce kung may nanliligaw sa kaniya, at "wala" ang isinagot ng aktres.

"May question [kanina], 'May nanliligaw sa 'yo?' Walang nanliligaw sa akin kasi sinagot ko na," saad niya. -- Jamil Santos/FRJ, GMA News


<iframe width="100%" height="340" class="ent-evideo-embed" src="https://www.gmanetwork.com/entertainment/tv/mars/76835/mars-sharing-group-sanya-lopez-boyfriend-na-nga-ba-si-rocco-nacino/evideo?embed=evideo&v=yt" frameborder="0"></iframe>