Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK

Baeby Baste, parang bida rin sa dinner kasama si Cole Sprouse


Isa ang cute na cute na aktor na si Baeby Baste sa mapalad na nakasali sa isang dinner kasama si Cole Sprouse. 

 

Nasa Pilipinas ngayon ang aktor bilang endorser ng clothing retail brand na Bench at nitong Biyernes ay nakipagkilala siya sa iba pang mga celebrities na endorser din ng nasabing brand. 

Kinilig ang ilang Kapuso star kagaya nila Mikee Quintos, Maine Mendoza, Ara Arida, ati iba pa at pati si Baste ay nagpasalamat na nakilala niya si Cole. 

Photo: iambaebybaste / Instagram.
Photo: iambaebybaste / Instagram.

 

Photo: iambaebybaste / Instagram.
Photo: iambaebybaste / Instagram.

Makikita sa Instagram ni Baste ang litratro kasama si Cole at nakasulat sa caption ang mga katagang: "Once in a lifetime experience with @colesprouse and sa ibang napakaganda at gwapong sikat kaayo na mga artista. So humbled and blessed to be part of @benchtm." 

Ngunit bukod sa napaka-cute na picture kasama si Cole, makikita rin ang litrato ni Baste kasama ang iba pang mga artista. Tila bumida rin siya sa dinner na ito!

Si Maine, Solenn Heussaff, Richard Gomez, Lovie Poe, Gabbi Garcia, Julia at Claudia Barretto, Leila Alcasid ay nakipag-selfie din kay Baste. 

Si Cole Sprouse ay parte ng cast ng "Riverdale", isang adaptation ng "Archie Comics" na gawa ng CW. Mapapanuod ito sa Pilipinas sa Netflix.  — AT, GMA News

Tags: baste, baebybaste