Magkahalong biro at seryoso ang itinugon ng Kapuso star na si Michael V sa isa niyang follower sa Instragram na nagkomento sa isa niyang post na "baduy" at "pangmatanda" na ang kaniyang joke.

"Constructive criticism, yung jokes mo patok na lang sa mga matatanda at baduy na tao," sabi ng netizen sa post ni Michael V o Bitoy na may kaugnayan sa joke tungkol sa name ng chocolate.

 

 

“Whittaker’s”!!! #BitoyStory Courtesy of @iyavillania ????

A post shared by Michael V. ???????? (@michaelbitoy) on

 

Seryoso na may halong biro naman ang sagot dito ni Bitoy, "Aww... thanks! I saw your profile, hindi ka matanda. I thank God sa pagbisita ng mga taong kagaya mo... 'yung ipinagmamalaki ang pagiging BADUY nila. Expect more jokes for people like you. Kasama ka sa nagpapayaman sa 'kin.”

Nakakuha naman ng suporta si Bitoy sa iba pang niyang followers.

Tila hinintay pa ni Bitoy na sumagot ang kritiko niya pero nang hindi nag-reply, humirit muli siya ng," Antagal mo sumagot? Natawa ka 'no?"

Sabi pa ng Kapuso star, hindi magtatagal sa industriya ang mga taong walang talent.

“Trust me, hindi tatagal ng more than 20 years sa industriya yung mga walang talent. You're welcome to take a shot if you want to prove me wrong. I'll see you in 20!," anang host ng "Lip Sync Battle Philippines, at napapanood din sa "Bubble Gang" at "Pepito Manoloto." -- FRJ, GMA News