Mahigit nine months matapos manganak,  fit na fit na muli ang dating "Encantadia" star na si Kylie Padilla. Babalik na rin kaya siya sa trabaho?

Sa Star Bites report ni Cata Tibayan sa GMA News TV "Balitanghali" nitong Lunes, sinabing ang fit and sexy na muli si Kylie matapos niyang isilang ang panganay na anak na si Alas.

Dahil nine-months-old na si Alas, nagkaroon na si Kylie ng oras para unti-unting magbawas ng timbang sa pamamagitan ng diet at exercises.

"Noong buntis ako all out ako, 'di ako nag-diet," sabi ng aktres. Pero after that nakaranas din ako ng post partum with my body."

Gayunman, hindi naman daw nawala sa isip ni Kylie na kahit nanay na ay dapat alagaan pa rin ang sarili.

Simple lang umano ang diet ni Kylie na in moderation ang pagkain at masipag siyang mag-exercise araw-araw.

"Jogging, boxing. Tapos minsan 'yung bahay namin maraming floor, akyat-baba lang ako doon," sabi niya.

Motivated na umano makabalik very soon si Kylie sa showbiz pero sa ngayon ay nais pa rin daw niyang tutukan ang pag-aalaga kay baby Alas na 100 percent na breastfed kaya happy at healthy ang bata.-- FRJ, GMA News