Naka gold and pink outfit si Mommy Dionisia Pacquiao sa kanyang 69th birthday, habang naka all white suit ang nobyo niyang si Michael Yamsun.

Siyempre highlight ang paghataw ni Mommy D sa dance floor.

Bago ang party, nagsimba muna si Mommy D at pagkatapos, pinabasbasan niya ang brand new van na regalo sa kanya ng kanyang anak na si Senator Manny Pacquiao.

Sa selebrasyon, makikitang sweet si Mommy D at si Michael. Natanong tuloy sila, susunod na ba ang kasalan?

"Plano pa lang po. Darating din siguro sa mga ganyang bagay," sagot ni Michael.

Samantala, sabi ni Mommy D, "'Di ko siya mamadaliin. Sabi ko, kung mahal mo ako, sasama ka sa akin." —BAP/KG, GMA News