Maging si Jeric Gonzales ay hindi rin nakaligtas sa mga indecent proposal ng mga nagpapakilalang politiko.

Sa GMA News "Unang Balita" nitong Martes, sinabing inilahad ng "Magkaagaw" leading man sa isang panayam na sa pitong taon niya sa showbiz, hindi pa naman siya nakararanas ng exploitation o pang-aabuso.

Gayunman, hindi raw ito maiiwasan, kaya hindi na lang niya ito pinapansin.

Focus na lang aniya si Jeric sa drama series niya kasama ang aktres na si Klea Pineda.

Nag-pilot episode na nitong Lunes ang "Magkaagaw" sa GMA Telebabad. — Jamil Santos/RSJ, GMA News