Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kinagiliwang hit youth-oriented program na T.G.I.S., magbabalik sa GMA-7


Magbabalik sa telebisyon ang kinagiliwang hit youth-oriented program ng GMA-7 noong 1990’s na T.G.I.S. Ilan sa mga naging bahagi ng T.G.I.S. na tumagal ng may apat na taon hanggang 1999 ay sina Angelu de Leon, Bobby Andrews, Onemig Bondoc, Rica Peralejo, Raven Villanueva, Michael Flores, Ciara Sotto, Jake Roxas, Red Sternberg, Bernadette Alysson. Sa pagbabalik ng T.G.I.S., nagsagawa ng audition ang GMA-7 nitong Miyerkules (Sept. 13) para sa mga male and female na 14-18 years old na magiging bagong cast members ang show. Kaya abangan ang pagbabalik ng mas pinaganda at pinasayang T.G.I.S. sa Kapuso network. - FRJ, GMA News

Tags: tgis, gmashows