Filtered By: Showbiz
Showbiz

Entertainment columnist Tita Swarding, pumanaw na


Pumanaw sa edad na 60 ang batikang radio broadcaster at entertainment columnist na si Romulo Espena, mas kilala bilang si Tita Swarding. Ayon sa asawa nitong si Beatrice Espena, pasado alas-dose ng gabi ng sumakabilang buhay si Tita Swarding sa Quezon City General Hospital dahil sa sakit na emphysema. Gayundin, nitong Abril lamang ng operahan ito dahil sa appendicitis. Bukod sa maybahay, naiwan nito ang kanyang anim na anak at limang apo. — Mac Macapendeg/BM, GMA News

Tags: titaswarding