Filtered By: Showbiz
Showbiz

'MHL: One More Try Concert' mapapanood sa SNBO sa Oktubre 20


Para sa mga hindi nakadalo, maaari nang mapanood ang matagumpay na "My Husband's Lover: One More Try Concert" ngayong Oktubre 20 sa Sunday Night Box Office (SNBO) sa GMA-7.

Naging matagumpay kasi ang naturang concert na idinaos sa Smart Araneta Coliseum nitong Sabado. 
 
Sa opening number pa lamang, tila di-magkamayaw ang mga tagahanga sa paglabas nina Kuh Ledesma, Carla Abellana, Tom Rodriguez, at Dennis Trillo.
 
Gayundin, tuluy-tuloy naman ang saya hanggang sa kinasasabikang duet nina Tom at Dennis o mas kilala ngayon sa tambalang "TomDen" ayon sa ulat ng "Balitanghali" nitong Linggo.
 
Napahanga rin ang marami sa magandang performance ng bida ng palabas na si Carla at maging sa magagandang mga kasuotan nito.
 
Bukod pa rito, inabangan din ng mga tagahanga ang umanong pasabog na kissing scene ng "TomDen." – Mac Macapendeg / KDM, GMA News