Filtered By: Showbiz
Showbiz

Mariel Pamintuan, kinabahan kina Janno Gibbs at Manilyn Reynes


 
First time na makakatrabaho ng Kapuso actress na si Mariel Pamintuan sina Manilyn Reynes at Janno Gibbs. Kaya naman hindi raw naiwasan ni Mariel na kabahan nang malaman na makakatrabaho niya ang dalawang batikang artista.

“Noong narinig ko, may konting kaba. Pero nakita ko sila napaka-accommodating nila. Ang bait bait lang nila kaya nawala rin ‘yung kaba. Nakakatuwa sila. Feeling ko honored din ako kasi makakatrabaho ko sila,” sabi ng Kapuso actress.
 
Gaganap bilang Kim si Mariel sa My BFF. Laking Singapore si Kim. Umuwi siya sa Pilipinas at makikitira siya sa bahay nina Rachel at Lyn. Parang pamilya na rin ang turing sa kanya ng mag-ina.
 
“Napunta ako kina Ms. Manilyn. Doon ako nakitira sa kanila. Family friend po ako nina Mona Louise Rey. Hindi ako naniniwala sa mga mumu. Si Mona ini-insist niya na may nakikita siya. Hindi ako naniniwala,” kuwento niya.
 
Makaka-love team ni Mariel dito si Hiro Peralta na gaganap bilang Baron. Inamin niya na first time niya ito makakatrabaho.
 
Nailang ba siya kay Hiro?
 
“Nag-relationship workshop na kami before. Nagwo-workshop din kami sa acting. Kampante ako makatrabaho siya. At saka mabait naman siya,” sagot ng dalaga.
 
Dagdag pa niya, “Si Hiro ang magsasabi sa akin na totoo na may mumu. May third eye rin siya.”
 
Masaya raw lagi sa set ng My BFF. Lalo na dahil natutuwa si Mariel kina Mona Louise Rey at Jillian Ward. Masaya raw siya na makasama sila.
 
Hindi rin siya napi-pressure sa mga eksena dahil hindi rin naman ganoon ka-heavy ang mga scenes, very light at masaya lang ayon sa kanya. -- Eunicia Mediodia, GMANetwork.com