Filtered By: Showbiz
Showbiz

Bigo kahit sa Starstruck: Alden Richards, inamin na halos sumuko na sa pag-a-artista


 
Sa kaguwapuhan ni Alden Richards, sino ang maniniwala na na-reject na pala siya ng ilang beses noon?

“At that point, ang dami ko nang rejections masyado. So there was a point na I really gave up. Sabi ko, ayaw ko na,” sabi niya.

Ang tinutukoy ng Kapuso heartthrob ay hindi tungkol sa panliligaw, kundi tungkol sa kanyang pag-a-audition sa mga reality shows.

Inamin ni Alden na sinubukan niyang makapasok ng StarStruck at iba pang reality searches subalit hindi siya sinuwerte hanggang dulo.

“I was in all the auditions. [Yung] pipila ka and you wait for your turn. [Nandun] yung pressure, yung kaba mo tapos papakantahin ka, paaartehin ka, [ipapakuwento ang] life story, ganyan. It’s very difficult… Sa StarStruck, nakuha ako nun [pero] hanggang top 60 lang,” dagdag niya.

Dumating sa puntong sinabi niya na hindi niya na susubukan ang pag-a-artista at itutuloy na lang niya ang kaniyang pag-aaral.

“Sabi ko,’ayoko na, I’ll just continue studying. Siguro showbiz is not for me,” aniya.

Pagkatapos kumbinsihin ang kanyang sarili na hindi siya nararapat sa showbiz, may tumawag sa manager niya at nagbago na ang lahat.

“Yung top 100 [kasi ng StarStruck], inengage na nila into a booking contract for GMA Artist Center. Tapos [may] tumawag sa manager ko. Sabi niya may audition daw for a soap then pinapunta ako,” pag-alala ni Alden.

Inisip ni Alden na binibigyan pa siguro siya ng isang pagkakataon para subukang makapasok sa showbiz. Kahit ilang beses na siyang hinindian noon, naglakas loob pa rin siyang pumunta.
“One last shot, sabi ko sa sarili ko,” kuwento niya.

After that audition, sabi nga nila, 'the rest is history'. Walang pinagsisisihan si Alden at maligaya siya na napagdaanan niya ang iba’t-ibang mga pagsubok noon.

“Napaka-cliché nito but it’s the truth – hardwork talaga pays off and God’s timing is always perfect,” deklara niya. -- Mary Louise Ligunas, GMANetwork.com
LOADING CONTENT