Filtered By: Showbiz
Showbiz

Gardo Versoza, aminadong nadadala ang gay mannerisms ni 'Mother Lexie' kahit off-cam



 

Maagang nagbigay ng positive energy ang mag-"mareshki" (mare sa gay lingo) na sina Gabby Eigenmann at Gardo Versoza nang sila ay bumisita sa bahay ni Regine Velasquez sa Sarap Diva. Dito ibinahagi ng dalawa ang kanilang journey sa pagganap bilang si Carding/Dading at Mother Lexi sa afternoon prime na Dading.

Aminado ang dalawa na kakaibang adjustments ang kanilang ginawa para sa kanilang roles dahil pawang certified straight guys sina Gabby at Gardo sa totoong buhay.

“Sobra noh? Halata na ba [na nahihirapan kami]?” natatawang pahayag ni Gabby.

Kuwento pa nila, minsan kapag walang taping at namamasyal with their family, mas nakikilala pa daw umano sila sa kanilang characters.

"One time, nasa mall kami siyempre with my family, [may tumawag sa akin] si Dading, si Dading! Ay bakla na siya!” Ang natatawang kuwento ni Gabby.

“Paano nila nalaman na bakla e naglalakad ako ng normal?”

Sa usaping mannerisms naman, aminado si Gardo na nadadala niya si Mother Lexie outside of work. Natatawang kuwento niya, “Naiuuwi mo na. Ngayon nga hindi ko na alam kung paano ko bibitawan ang character. Lalo na kapag masyado kang nag-eenjoy!”

Marami rin ang nakapansin sa nakakatuwang chemistry ni Gabby at Gardo kaya naman ibinahagi ng dalawa ang kanilang sikreto bilang mag-mareshki.

“We clicked right away. Pagdating sa mga eksena never kaming nagsapawan,” pahayag ni Gabby.

Saad naman ni Gardo, “kung nasa utak naming parehas 'yung kailangang mag-excel kami or kailangan umangat over Dading, papangit e. Kumbaga mararamdaman rin 'yun ng mga viewers”.

Masayang masaya rin umano si Gardo na si Gabby ang kanyang naging katrabaho para sa challenging niyang role sa Dading.

Aniya, “I'm very thankful kasi si Gabby yung naging ka-tandem ko. On and off cam kumbaga he's really a good guy”.

Nabitin ba kayo sa chikahan nina Gabby at Gardo? Huwag mag-alala dahil tuloy ang kuwentuhan ng mag-mareshki sa Wednesday, September 24 via GMANetwork.com's Live Chat. Just log on between to 2p.m. to 4p.m. to join this exclusive event. - Ann Charmaine Aquino, GMANetwork.com