Filtered By: Showbiz
Showbiz

Jean Garcia gets no support from the father of her son


Kung patuloy ang magandang communication ni Jean Garcia kay Jigo Garcia, ang ama ng kanyang panganay na si Jenica Garcia, ang ama naman ng kanyang bunso na si Kotaro ay halos wala raw siyang nababalitaan. Ni ayaw banggitin ni Jean ang pangalan ng ama ni Kotaro na isang Japanese national na nakilala niya noon sa Japan. Tama na raw yung nagmahalan sila at nabigyan siya ng cute na baby boy. "Hindi na importante kung ano ang name niya or nasaan man siya," sabi ni Jean. "Ang mahalaga lang sa akin ay nagkaroon kami ng anak and I want to thank him for being the father. Though hindi nga kami talagang nagtagal, still, minahal ko naman siya. Nagmahalan kaming dalawa. "Hindi ko naman ipinagkakait ang anak niya, e," paglilinaw pa ni Jean. "He knows where to find us. Isang long distance call lang naman ‘yan. Pero if he chooses not to communicate with his son, I think choice niya 'yon. Basta ako, lahat ng pag-aalaga ay ibinubuhos ko sa mga anak ko." Dagdag pa niya, "Five years old na si Kotaro at mag-aaral na siya this school year sa Xavier School. Ang hirap makapasok sa school na yun at expensive. Kaya ang lola n'yo, work-to-death na naman. Pero okay lang, importante naman talaga ang education. Sa mahal ng school ng mga anak ko, dapat lang na best education ang makuha nila, di ba?" According to Jean ay isang advertising executive ang ama ni Kotaro sa Japan. Nakilala ito ni Jean noong nagtrabaho siya sa Japan bilang isang singer sa hotel. Kaya raw hindi sila nagkatuluyan ay gusto ng Hapon na sa Japan na manatili si Jean. In short, gusto siyang gawing geisha nito. "Hindi bagay sa akin!" malakas na tawa ni Jean. "Hindi ko makita ang sarili ko na naka-kimono tapos may-I-serve my husband sa bahay tapos di man lang ako naaarawan. No way, di ba? Hindi ‘yan ang buhay ni Jean Garcia. Ako pa, e, hindi mo nga ako maipirmi sa bahay! "Kaya noong malaman ko na yun ang gusto niyang mangyari, hindi ako pumayag. I have my own life and hindi ako sang-ayon sa gusto niya. Mas importante sa akin ang freedom," sabi pa niya. Dagdag pa ni Jean ay wala rin daw financial support na natatanggap si Jean mula sa ama ni Kotaro. "Hindi ko na yun inaasahan from him noong maghiwalay kami," sabi ni Jean. "From the time na natapos ang relasyon namin, wala naman akong iniasa sa kaniya. Kaya nga trabaho tayo nang trabaho, di ba? Okay lang ‘yon because nasanay na akong maging isang single parent. Mas kampante ako na ang panggastos namin ever day ay galing sa pinaghirapan ko. Mas may fulfillment. "Tulad ngayon, nakalipat na kami sa bahay na nabili ko sa may Commonwealth, Quezon City. Masaya ako because blood, sweat, and tears ang naging puhunan ko sa bahay na yun. Kaya mas okay ang ganitong lagay namin. Ako naman, never akong umasa sa mga lalake para buhayin ang mga anak ko." Kasama si Jean sa bagong sitcom ng GMA-7 na Who's Your Daddy Now?, na magsisimula ngayong gabi, April 16. Kasama rin siya sa cast ng bagong soap opera ng Kapuso Network na Impostora, kung saan bida sina Sunshine Dizon at Iza Calzado. - Philippine Entertainment Portal

Tags: jeangarcia