Filtered By: Showbiz
Showbiz

LOOK: Marian Rivera graces magazine cover, says ‘pregnancy is a beautiful thing’


Hindi napigilan ng kanyang pagbubuntis ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera na patuloy na ipamalas ang kanyang kagandahan sa telebisyon man o sa mga pahina ng magazine.
 
Matapos ang kanilang unang TV commercial ng asawa at Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes bilang mag-asawa, makikita naman ngayon ang proud mom-to-be sa cover tinaguriang 'The Travel Issue' ng regional lifestyle magazine na 'UNO' ngayong buwan ng Hunyo. 
 
Isang linggo ang nakaraan nang ipasilip ni Marian sa kanyang social media followers ang gagawing cover, at nitong Sabado nga ay pormal niya nang inilabas ang opisyal na June issue cover ng naturang magazine kung saan makikita ang kinikilala ngayon bilang isa sa pinakamagandang pregnant celebrities.
 
Ayon kay Marian sa isang Instagram post nitong Sabado, "Very humbled to have been asked by UNO magazine to be their cover for their June issue! 'Pregnancy is a beautiful thing' #proudMOMtobe"
 
Tila nagiging matiwasay naman ang pagbubuntis ng aktres ngayong malapit na siya sa ikalawang trimester. 
 
Kamakailan lamang, ibinahagi ng proud at excited dad-to-be na si Dingdong ang isang larawan na nagpapakita ng ever-growing baby bump ng ni Marian na kuha habang nagre-relax sila sa isang restaurant sa Tagaytay.  
 
Matatandang pormal na inanunsyo ng mag-asawa sa publiko ang pagbubuntis ng Kapuso Primetime Queen noong Abril, halos tatlong buwan matapos ang kanilang kasal noong Disyembre ng nakaraang taon.
 
 

A glimpse... of this June issue cover... ??
 
 

A photo posted by Marian Rivera Gracia Dantes (@therealmarian) on





 
 
 
— Bianca Rose Dabu/RSJ, GMA News
Tags: marianrivera
LOADING CONTENT