Filtered By: Showbiz
Showbiz

LOOK: Judy Ann Santos launches cookbook, gives fans a taste of #DirtyBreakfast


Inilabas na ng batikang actress at tinaguriang Queen of Pinoy Soap Operas na si Judy Ann Santos ang kanyang kauna-unahang cookbook na nagtatampok ng ilan sa mga paborito niyang lutuin para sa asawa at TV host na si Ryan Agoncillo, mga anak na si Yohan at Lucho, at sa iba pa niyang kapamilya at mga mahal niya sa buhay.

Naganap ang private book launch ng librong pinamagatang “Judy Ann's Kitchen” ilang araw bago ang Father's Day nitong Linggo, at kahit nga hinaharap ang panibagong pagsubok dala ng kanyang pangalawang pagbubuntis, excited na hinarap ng aktres at hands-on mom ang mga nag-aabang sa kanyang libro.

Bukod sa tinatawag nilang "Dirty Breakfast," na madalas ipagmalaki ni Ryan sa kanyang social media accounts, makikita rin dito ang ilan pang mga putahe ala-Juday gaya na lamang ng Prime Ribs at dessert cakes.

 

Getting ready for tom. Private book launch.. ???????? #kabadotothehighestlevel

A photo posted by Judy Ann Santos-Agoncillo (@officialjuday) on



Samantala, very supportive naman ang kanyang mister hindi lamang sa pagbubuntis niya kay baby number 3, kundi maging sa kanyang hobby na pagluluto at sa bagong cookbook na matagal an umanong pinangarap gawin ni Juday.

Nitong Sabado, ipinatikim ng mag-asawa sa mga nag-aabang na fans ang "Dirty Breakfast" specialties ng aktres, o ang mga breakfast sandwiches na madalas niyang inihahain sa kanyang pamilya.

Magkasamang nagluto si Judy Ann at Ryan sa naganap na Open Kitchen: The Best Kept Recipes of the Stars food bazaar at food market sa U.P. Town Center sa Katipunan Ave., Quezon City, kung saan tampok rin ang mga lutuin ng showbiz personalities gaya nina Lovi Poe, Bela Padilla, Pokwang, Vice Ganda, JC De Vera, at marami pang iba.

Matatandaang kumuha ng culinary course si Ryan nitong taon, kasunod ng matagumpay na pagtatapos ni Juday sa four-month Basic and Advanced Cooking Skills ng Center for Asian Culinary Studies noong 2006, kung saan nakatanggap siya ng silver medal for Basic Skills in Cooking at gold medal for Advanced Skills.







 

Our #dirtybreakfast

A photo posted by Deneb Villanueva (@denebarc) on


— Bianca Rose Dabu/BM, GMA News