Filtered By: Showbiz
Showbiz

Miguel Tanfelix and Bianca Umali to star in ‘Maybe This Time’


Muling magpapakilig ang tambalan ng Kapuso teen stars na sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali sa GMA teleserye ng “Maybe This Time.”
 
Kabilang sa star-studded cast ng GMA Afternoon prime soap, na pangungunahan ng direktor na si Neil del Rosario, sina Neil Ryan Sese, Rochelle Pangilinan, Alessandra de Rossi, Mark Anthony Fernandez, at Camille Prats.
 
Matatandaang bumida na sa "Once Upon A Kiss" ang tambalang BiGuel, na sinubaybayan sa GMA Telebabad primetime bloc nitong Enero hanggang Mayo.
 
Bukod sa kanilang showbiz projects, abala rin sina Bianca at Miguel sa iba pang adbokasiya, gaya na lamang ng “Pass-A-Book ni BiGuel” project, na naglalayong hikayatin ang kabataang Pilipino na mahalin ang pagbabasa ng mga libro sa pamamagitan ng pamamahagi o pagdo-donate ng iba't ibang babasahin. 
 
Abangan ang nalalapit na pagpapalabas ng “Maybe This Time” sa GMA Network!
 
 

Malapit na ulit silang magpakilig! @bianca_umali and @migueltanfelix_ on #MaybeThisTime soon on GMA!

A photo posted by gmanetwork (@gmanetwork) on

 
 
 
 

The stellar cast of #MaybeThisTime! Soon on #GMA!

A photo posted by gmanetwork (@gmanetwork) on

 
—Bianca Rose Dabu/KG, GMA News