Filtered By: Showbiz
Showbiz

Direk Joey Reyes all praises for his ‘Anna’ Maine Mendoza


Matapos mapag-alamang kasama ang Pambasang Bae na si Alden Richards sa Metro Manila Film Festival entry na "My Bebe Love," nakumpirma na rin nitong Martes na makakabilang ang tinaguriang 'Dubsmash Queen ng Pilipinas' na si Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub sa pelikulang pagbibidahan nina Bossing Vic Sotto at Comedy Concert Queen AiAi Delas Alas. 
 
Ilang oras lamang nang tila ipahiwatig ng batikang direktor na si Jose Javier Reyes na makakasama na si Yaya Dub sa pelikulang pinangungunahan niya, kinumpirma rin ito ni Direk Mike, anak ni Antonio Tuviera, ang chairman ng Tape Inc. na namamahala sa noontime show na Eat Bulaga.
 
Kaugnay nito, ibinahagi ni Direk Joey ang karanasan niya nang unang makita at makausap si Maine para sa gagawin nilang pelikula.
 
Dito rin niya ipinaalam sa mga nakaabang na AlDub fans ang magiging pangalan ni Yaya Dub sa "My Bebe Love."
 
Ayon sa direktor sa isang tweet nitong Martes, "Great to meet a sweet & unassuming little girl like @mainedcm to share some stories & laughs. See you soon, my Anna. Spread the love."
 
 
 
Labis raw na humanga ang batikang direktor sa "Sunday Pinasaya!" host dahil sa ipinakita nitong paggalang at pasasalamat matapos niyang papurihan ang tambalan nila ni Yaya Dub.
 
“Just a while ago I was able to prove that Alden Richards is a cut above the rest. He is not only a good actor but a perfect gentleman. Alden R went out of his way to send me a thank you text for the blog. How many young actors will do that considering we've only met once?” aniya.
 
Dagdag pa ni Direk Joey, “I wish all the young performers will have the manners of Alden R. He has earned even more of my admiration as a role model for others.” — RSJ, GMA News