Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK

AiAi Delas Alas, Alden Richards start shooting for ‘My Bebe Love’


Ilang araw lamang matapos makumpirmang kabilang ang phenomenal love team na AlDub sa Metro Manila Film Festival 2015 entry na “My Bebe Love,” na pagbibidahan nina Bossing Vic Sotto at Comedy Concert Queen AiAi Delas Alas, nagsimula na ang shooting ng naturang pelikula sa ilalim ng batikang direktor na si Jose Javier Reyes.



Kabilang sa mga unang kinunan ay ang mga eksena kung saan kasama sina AiAi at ang Pambansang Bae na si Alden Richards.



Ilan pa sa mga bibida sa pelikula ay ang Dubsmash Queen ng Pilipinas na si Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub, host at comedian na si Jose Manalo, at ang GMA Artist Center talent at panganay na anak ni AiAi na si Sancho Vito Delas Alas.

Ayon kay AiAi sa isang Instagram post, “Excited ako dahil after 3 years ay makakasali na naman ako sa MMFF. And after 4 years, makakasama ko ulit ang ating Bossing Vic Sotto. At 1st time din ni Sancho (delas Alas) magmo-movie. Napakadami kong dapat ipagpasalamat sa Diyos ngayong taong 2015 dahil nakabangon ako at sumigla muli,” she said.
 
“At bago ko makalimutan, after 12 years, makakasama ko ulit si Direk Joey Reyes. Kita-kita tayo sa sinehan sa December 25. Ang saya-saya ng Pasko. Merry Christmas na,” dagdag pa niya. — Bianca Rose Dabu/LBG, GMA News