Filtered By: Showbiz
Showbiz

AlDub, Lola Nidora to receive Catholic social media award 


Nakatakdang tumanggap ng Catholic social media award sina Pambansang Bae Alden Richards at Dubsmash Queen and Kalyeserye sweetheart Maine Mendoza para sa pagpapalaganap ng magandang aral at values sa mga kabataan.
 
Ayon sa CBCP News, ginawa ang Catholic Social Media Awards (CSMA) sa pangunguna ng Youth Pinoy at Areopagus Communications, Inc. upang bigyang-diin ang kahalagahan ng responsibilidad sa mga online communicators. 
 
Bukod sa phenomenal love team na AlDub, nakatakda ring tumanggap ng pagkilala ang Kapuso actor and comedian na si Wally Bayola a.k.a. Lola Nidora at ang Tape Inc., ang producer ng noontime show na Eat Bulaga.
 
Karapat-dapat raw sa naturang award ang Kalyeserye dahil sa inspirational message na nabibigay nito sa mga manonood patungkol sa “virtues, values, chivalry, modesty, morality, respect for elders,” at marami pang iba.
 
“This is the kind [of show] that we don’t see on TV anymore,” ayon kay Mon Bandril, bahagi ng awards organizing committee.
 
Dahil sa pagkilalang ito na ibibigay nila Kalyeserye, umaasa ang CSMA na mas dadami pa ang mga programang hindi lamang nakatutuwa kundi nagpapalaganap rin ng Christian values.
 
Magaganap ang pagpaparangal sa mga Kapuso sa susunod na linggo bilang bahagi ng 4th Catholic Social Media Summit sa Sta. Rosa, Laguna. — Bianca Rose Dabu/RSJ, GMA News