Filtered By: Showbiz
Showbiz

TicketWorld: P150 tickets still available for ‘Eat Bulaga: Sa Tamang Panahon’


Muling gumawa ng panibagong record ang Eat Bulaga supporters at AlDub Nation nang basagin nila ang record sa first day ticket sales ng TicketWorld.

Makaraan lamang ang tatlong oras mula nang ianunsyo ang tungkol sa pagbili ng tiket para sa "Eat Bulaga Sa Tamang Panahon" na gaganapin sa Philippine Arena sa Bulacan sa October 24, sinabi sa official Twitter account ng TicketWorld ang record na nagawa ng mga nais makibahagi sa pagtitipon.

Ayon sa TicketWorld representatives, naubos na nitong Sabado ang tickets para sa Prize Zone 1, Prize Zone 2, at Prize Zone 3.


Mula nitong Linggo ng umaga, tanging tickets na lamang para sa Prize Zone 4 ang maaaring bilhin ng mga nais maging bahagi ng pagtitipon.

Ang malilikom na pondo mula sa mga nabiling tiket ay gagamitin sa pagpapatayo ng mga tatawaging "AlDub library" sa iba't ibang bahagi ng bansa.

Ang pagtitipon sa October 24 ay ang big surprise ni Lola Nidora sa Kalyeserye episode nitong Sabado para kina Alden, Yaya Dub at sa AlDub Nation.



— Bianca Rose Dabu/BM, GMA News
Tags: eatbulaga, aldub