Filtered By: Showbiz
Showbiz

Alden Richards receive triple platinum award for album ‘Wish I May’


Maliban sa kaniyang pagpapasaya at pagpapakilig sa “Eat Bulaga!” at Kalyeserye araw-araw kasama si Maine Mendoza, pati na sa “Sunday Pinasaya” kasama naman sina AiAi Delas Alas, Jerald Napoles, at marami pang iba, matagumpay rin ang Pambansang Bae na si Alden Richards bilang isang Kapuso recording artist.

Nitong Linggo, tinanggap ng Kapuso heartthrob ang triple platinum award para sa kaniyang album na “Wish I May.”

Kasama niyang nagdiwang ang mga kasamahan sa "Sunday Pinasaya," at ang kaniyang mga tagahanga na walang patid ang suporta at pagmamahal sa kaniya.

Ayon kay Alden, “Maraming salamat po. Kung hindi dahil sa inyong lahat na sumusuporta—sa Aldenatics, sa AlDub Nation—wala pong triple platinum. Maraming salamat sa GMA Records for giving me the chance. To God be the glory!”

Tinanggap rin ng binata ang platinum award para sa kaniyang single ng “Wish I May.”

Disyembre lamang ng nakaraang taon nang tanggapin ni Alden ang Double Platinum Award para sa kaniyang album ng “Wish I May.”

Opisyal na inilabas ang naturang album noong October 2015 at makalipas ang tatlong buwan ay nakabenta na nga ito ng humigit-kumulang tatlong milyong kopya. — Bianca Rose Dabu/AT, GMA News