Filtered By: Showbiz
Showbiz

Heart Evangelista, Dennis Trillo to star in naughty rom-com series ‘Juan Happy Love Story’


Muling magsasama sa isang teleserye ang Kapuso stars na sina Heart Evangelista at Dennis Trillo matapos ang kanilang pagtatambal sa 2011 telefantasyang “Dwarfina.”

Bibida sina Heart at Dennis sa sexy, naughty romantic comedy series na “Juan Happy Love Story,” kung saan makakasama nila sina Gloria Romero, Lotlot de Leon, Gardo Versoza, Dominic Roco, Leeian Bautista, Erika Padilla, Kim Domingo, at marami pang iba.

 

 

Masaya raw ang dalawang lead stars sa panibagong programang pagsasamahan nila, lalo na at iba ito sa mga drama series na nauna na nilang pinagbidahan.

Matatandaan bumida si Heart sa “Beautiful Strangers” noong nakaraang taon, habang leading man naman si Dennis sa “My Faithful Husband.”

Ayon kay Heart sa naganap na story conference nitong Martes, “Medyo kinakabahan kasi naughty, sexy love story nga.  But it's nice kasi masyado nang seryoso ang buhay. Kailangan nating mag-smile from time to time. Maganda siya kasi matagal na rin kaming umiiyak sa TV. Ito, masaya naman. Masaya kaming mga tao kaya bagay ito.”

“Iba ito sa mga ginawa namin before. Ako, 'yung huli kong show, heavy drama. Ito, mas pilyo ang character.  Ngayon, iba na naman. Light at nakakatawa. Hindi na sobrang seryoso,” pahayag naman ni Dennis.

Nagpapasalamat ang dalawa sa GMA dahil mabibigyan sila ng pagkakataong magpasaya ng mga manonood gabi-gabi simula ngayong Abril.

Dagdag pa riyan, excited na raw sina Heart at Dennis sa pagbibigay-buhay sa mga karakter ni Juan at Happy, na magkaiba ang personalidad at pinanggalingang pamilya ngunit mahuhulog pa rin ang loob sa isa't isa.

“Never pa akong nakakagawa ng ganito. Iba talaga siya. This role is challenging, so thank you to GMA for always giving us a good challenge sa mga roles,” ayon sa Kapuso actress.

Sabi naman ni Dennis, “Refreshing makagawa ng ganitong project, kaya salamat sa GMA dahil nabibigyan niya kami ng proyekto na hindi pa namin nagagawa before.”

Mapapanood na ang ”Juan Happy Love Story” simula ngayong April 4 sa GMA Telebabad. — Bianca Rose Dabu/DVM, GMA News

LOADING CONTENT